Miyerkules, Pebrero 8, 2012

..kwentong chalk...hart disis..

..FREE….

Salitang ugat na makukuha sa mga salitang FREETONG ISDA, FREETONG MANOK, REFREE, AFREECA,REFREEGIRATOR,  FREETOS RING, CAFREECORN at kung ano-no pa..

…hindi masamang hindi maniwala,pero kung naniniwala ka - MATALINO ka..

Ano ka nga ba? Sino ka na nga ba? Andyan palaka?Bakit di ka man lang  nagsasalita? Akala ko’y tuluyan ka na lamang nawala..

Ang alam ko lang kasing free ay ang  premyong nakukuha sa loob ng tsitsiryang BASTA PINOY,yung huling climb naming may nakita din akong tsitsiryang may free toys, pangalan nung pagkaen ENTENG NG INA MO… Astig, kinuha sa pelikula ang pngalan ng pagkain.. Ang pagkaing ito ay mabibili mo sa halagang Php 1.00 (one peso only) at maari kang manalo ng mga laruan, tunay na pera,pekeng pera,pekeng tao at kung ano-ano pa. Dito wala kang talo,dahil lahat ng mabibili mo ay may makukuhang FREE kahit na maliit na bagay na sya namang ikakatuwa mo, ng mga kaibigan mo, ng pamilya mo, at ng mga kaaway mo upang maging dahilan ng kasiyahan ng buong bayan na tatawagin ngayung piyesta at magtatayo ng carival sa harap ng munisipyo at bargain sa mga gilid ng kalsada na syang magdadagdag ng dahilan upang lalong sumikip ang daloy ng trapiko sa umaga.

PRESTO….. May instant free warning ka dahil sa pagka-late mo kakahanap ng driver ng free space  kung saan nya maisisingit ang kanyang 'taxikel'..

..usapang makulit..balik sa mundo ng mga taga planet nemic..

Sa mundong ito,ginagamit ng mga nilalang dito ang salitang "FREE" kung may nais silang palayain mula sa pagkakabilanggo ng isang tao sa kanilang puso o para sa kanilang pansariling kapakanan.

Halimbawa..
 1. "free of us",sambit ng matandang kame sa masamang bahagi ng kanyang katawan kaya tuluyan ng humiwalay sa kanya ang katawan na ngayon ay tinatawag nating tito picollo.

2) "I free of you", sabi ng great elder nemic ng gisingin nya ang natutulog na pwersa nila…
2.a) Gohan
2.b.krilin
2.c) dende
2.d) neil

Sa tinatahak nilang buhay pag ibig,kailangang gamitin ang salitang "FREE" kapag hindi na masaya ang takbo ng kanilang relasyon at babanggitin ang katagang "I LOVE YOU…GOODBYE". Taksyapo naman,nag goodbye ka na nga may pahabol ka pang "I love You",wag kang mag goodbye kung mag a-i love you ka pa pala.

"Nakasanayan na kasi,nakagawian na..ganun talaga kapag maghihiwalay na",sabi ng isang nemic na na interview ko. Hanep, ibang klase..

Isa din sa mga dahilan ng kanilang tinatawag na "FREE" ay ang labis na sakit na nararamdamn. Sa mundong ito kung hindi cute o gwapo ang tingin nila sa mga lalaki, isa syang manloloko. Kapag ba may isang lalaking nanloko kailangan manloloko na lahat? Hindi ba pwedeng sya lang?

Ganito ang eksena..

Girl: bakit mo nagawa sa akin to?
Boy: wala naman akong ginagawa,mahal na mahal kita..
Girl: pare-parehas kayo..MANLOLOKO kayong mga lalaki..

Wag mo naman lahatin teh, pati tatay mo manloloko?hehe.. Maaaing nasaktan ka ngayun at magtatanim ng galit sa mga lalaki pero darating sa isang punto na makakahanap ka ng lalaking magmamahal sa iyo upang tuluyan mong makalimutan ang mapait na nakaraan at sa bandang huli ay masasabi mo na “MALI PALA AKO”….

..isa pa..

Boy: hindi mo ba ako mahal?o hindi mo talaga ako minahal?bakit mo ako nagawang lokohin?
Girl: ikaw ang nagturo sakin upang gawin ko to..!!!

..haha..ilan lang yan sa mga realidad na nangyayari sa planeta ng mga nemic.. Ikaw na nasaktan ay ikaw pa na masisisi sa bandang huli.
..kanta muna tayo..kung alam mo to sabayan mo ako..

(music) Eu-Eu-Eu-Eugine,taguro,jeremiah,jericho.lupin III minahal si fujiko..saludo kame kay son gokou pati na kay tito picollong kalbo..(music)

Balik sa mundo ng mga tao…

Sa mundo na binabagyo ng hangang signal # 6, niyayanig ng lindol na intensity 6.9, mundo ng mga pinagpalang nilalang kung saan ang bawat isa ay nagpapaligsahan at nagpapagalingan patungo sa sagot ng walang katanungan kung bakit sila nagkaka-inggitan sa mundo ng kaplastikan..('mga langaw')

Hanggang sa marinig ko na mag ring ang telepono, alas kwatro ng umaga..Takte, kanta yun ai..

Sa mundo kung saan mararamdaman mo na parang kayo pero di kayo.you treat each other in a special way pero walang commitment na involve…walang nanligaw..walang sinagot..more than friends but less than lover..hindi ka sure sa role mo sa buhay nya..you can't expect na sya na talaga..

..presto..

…PSUEDO RELATIONSHIP..


Mas advance kumpara sa Mutual Understanding. Sa relasyong ito, wala kang karpaatang mag demand, wala kang karapatang magselos at wala kang pag aari.

..pero bakit nga ba mas pinipili ng nakararami ang ganitong uri ng realsyon?

a. para sa paglilibang?
b. para sa kilig feeling?
c. para laging may kasama habang wala pa ang real thing.

"Leave someone, you have that right. But the least you can do is tell them why. Because what's even worse, what'seven more painful than being abandoned is knowing you're not even worth the explanation."

….sabi sakin yan ni Pareng Peter Parker nung minsang makasabay ko sya sa bus..
Sabagay,may punto namn din sya. Kahit sino namang iwanan o maiwan ay naghahanap ng dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay na yun.

Everyone deserves a better explanation pero hindi natin kailangan mag paliwanag sa taong hindi tayo naiintindihan at wala tayong dapat intindihin.


Ano nga bang meron ka?

Anong klaseng teknik ang ginamit mo para mahulog ang puso ko (it was'nt me) mula sa pagkakakapit nito sa mga ugat na nagdudugtong sa aking artery patungo sa kumakalam kong sikmura na naghahangad ng sapat at wagas na pagmamahal mula sa bukal ng pag ibig sa dating tagpuan sa tulay ng langit at lupa..nyay..haha..

Matapos maubos ang chakrang inipon mo ng matagal na panahon upang masabi ang tunay na nararamdaman sa trip mong nilalang sa buong mundo, heto ka ngayun at nakatanga habang binibilang ang shooting star na dadaan sa harapan mo sa kainitan ng tanghali..exxagerated..

FLASH BACK….

Sa nakaraang gabi ng aminin mo ang kasalanang ginawa ng puso mo dahil sa hindi nito tamang nararamdaman para sa hindi din pala tamang tao na naging dahilan upang maggalawan ang mga tectonic plate sa gawing Visayas ng Pilipinas na naging sanhi ng pagbubuwis ng buhay at pagkasira ng mga ari-arian.

Heto ka nga ngayun, naglibang,nagmasid,naging mapagmatyag at naging matang lawin. Sa inaakala mong nakalimutan mo na ang lahat at tuluyan ng nabura ang sumpang kaakibat ng nararamdaman ng iyong puso ay bigla-bigla ulit bumalik ng makasalubong  mo ang nilalang na trip mo sa buong mundo.. Sa pagkakataong ito ay hindi ka na makatingin sa kanyang mga mata dahil natatakot kang mahulog sa kanyang mangekyo sharingan na syang muling bubuo ng ilusyon sa iyong puso..

Mas mahaba pa sa itinatakbo ng proseso ng impeachment case ni Chief Justice Corona ang tatahakin ng iyong buhay..

Buksan ang panibagong tsapter ng libro ng iyong buhay na hindi kasama ang karakter ng taong nais mong kalimutan. Mahirap gawin ngunit kailangan ngunit kung hindi mo talaga kaya, di mo kailangan pilitin ang sarili mo. Dun ka sa ulan kung saan alam mong magiging masaya at maingay ang mga palaka. Marami pang tauhan ang lalabas at makikilala sa mga tsapter na dadaan. Hindi matatapos ang bawat kabanata ng buhay mo hanggang may lupa mkang nilalakaran. Takbo hanggat may lupa!!

Mas mahirap na pagsubok.. Mas mahirap na paglalakbay.. Mas matinding sakit ngunit mas malakas na ang loob mo ngayon.. Mas madali bumangon mula sa pagkakadapa dahil natuto ka ng uminom ng kape na may arthro sa umaga.. Mas matibay ang buto.."what's sulit mama?", "it's more than you think for."

...Maling tao sa tamang nararamdaman.

..Ano mang tama sa maling panahon ay mali pa rin..

..maling naisulat sa pisara na pwedeng burahin ng eraser ngunit hindi katulad ng pambura sa lapis na may kahalintulad sa  tiwala na unti-unting nawawala habang ito ay ginagamit..

...akosisix..