Biyernes, Disyembre 16, 2011

..nawawala ako..



..andito ako sa upuan ko pero nawawala ako..
..ginagawa ko naman ang mga trabaho ko pero alam ko nawawala ako..
…kilala ko ang mga tao sa paligid ko,pero naniniwala akong nawawala ako.
..nagagawa ko din naman ang araw araw na rutin ng buhay ko pero nawawala talaga ako..

..NASAAN AKO?
..ikaw?
..alam mo ba kung nasaan ako?
..maituturo mo ba sa akin ang daan kung saan ko matatagpuan ang sarili ko?
..nawawala ako.
..naliligaw ako.
..nasaan ako?

..gusto ko makita ang daan.
..kailangan ko ng BAGONG DAAN.
..dahil hindi ko ninanais balikan ang dating daan dahil doon ako naligaw…
..naiwan ko pa nga ata doon ang sarili ko.
..natatakot akong balikan yun,kasi baka hindi na ulit ako makalabas doon.
..paano?
..ano?
..sino?
..kailan?
…………….
..nahihirapan ako…

..dahil nga nawawala ako..
..asan na si six?


Huwebes, Disyembre 8, 2011

..higad..

Parang higad lang yan na nakakapit sa puno, kung sino ang mas matibay ang kapit, sya ang matitira. Yung iba nagpapatihulog na dahil hindi na nakakayanan ang sakit, yung iba naman talagang nakikipagmatigasan sa kapit para sila ang matira. Swerte na yung mga nagpatihulog kung masalo sila ng dahon ng gabi o ano mang uri ng halaman na babagsakan nila. Malalaman nila na may iba pang mundo na nag eexist bukod sa punong kinapitan nila. Sa bagong mundong ginagalawan nila, malalaman nila na kulay green pala ang mga taga planet nemic, malalaman din nila na magsasara na ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ng isa kong kaibigan sa manila at ilan na lang silang matitira hanggang Disyembre 30  taong kasalukuyan upang ayusin ang mga papeles sa BIR. Dito malalaman din nila na may 38 na numero sa jueteng at may 1444 na kombinasyon na pwede mong tayaan at higit sa lahat, malalaman nila ang pagkakaiba ng pagmamahal sa punong dati nilang kinapitan at sa halamang kanilang bianagsakan at bago nilang kinakapitan. Dito ay ang iisa sya, hindi nya kailangang makipag paligsahan di tulad sa punong kanyang pinaglalaban.

Pinakamasaklap para sa mga higad na nagpatihulog ngunit walang nakapitan mula sa kanilang pagkakabagsak. Diretso sila sa lupa, yung iba sa semento pa. Mananaig ang sakit ng damdamin kumpara sa sakit na nararamdaman nila sa natamo nilang bali at sugat. Ang sugat sa damdamin matagal maghilom, kahit si telang bayawak pa ang tawagin mo upang gamutin ito siguradong hindi nya masususlusyunan ang hapdi at kirot na nararamdaman mo- ewan ko lang yung kati – baka sakali..haha..

Sa pagkakataong ito, ano ang gagawin mo?

Gagapang ka ba at maglalakbay upang malaman ang kasagutan kung bakit kulay green ang balat ng mga taga planet nemic, kasagutan kung bakit patuloy pa rin sa bangayan ang executive at judiciary ng bayan ng Pilipinas? O kasagutan kung sino ang makakaibsan ng sakit na nararamdaman mo mula sa iyong pagkakahulog.

Ang iba ay naiisipang bumalik at gumapang muli sa punong kanilang kinapitan dahil alam nila na ito lang ang kanilang makakapitan. Wala eh, yun lang ang choice nila. Ito lang ang alam nyang mundo at alam nya na dito ay tatanggapin sya ngunit ihahanda nya nanaman ang sarili nya para sa muling pakikibaka sa matindi-tinding kapitan at hihigpitan ito lalo para sa pangmatagalang kapitan.

At para sa mga naiwan at patuloy pa rin sa pakikipagkumptensya sa isat isa kung sino ang matitira at mananatiling nakakapit sa puno, katangahan mo bang matatawag ang mga higad na ito o hahanga ka dahil kaya nilang ipaglaban kung saan alam nilang sila ay sasaya at liligaya. Patuloy nilang kakalabanin ang lakas ng ulan ngayung araw na ito kasama pa ang lamig na dala ng hanging amihan upang subukin kung gaano katatag ang kanilang pagkakakapit. Dito sa mundong kanilang ginagalawan, hindi nila malalaman ang kulay ng mga taga planet nemic, na matatanggal na sa trabaho ang isa kong kaibigan, kung ilan ang numero sa jueteng at ilan ang posibleng kombinasyon na maaari mong tayaan at kung magkano ang magagastos mo para dito at higit sa lahat, hindi nila malalaman ang pagkakaiba ng pagmamahal ng isang puno at ng isang halaman.

Dumaan si malakas na hangin, dumaan si unos, dumaan si tag init ngunit nanatili pa rin syang nakakapit. Astig, dapat sa mga paa at kamay mo lagyan na ng lactite para siguradong matindi ang iyong pagkakakapit.

Yan ang higad sa kanyang pakikidigma.


..akosisix..