Biyernes, Disyembre 16, 2011

..nawawala ako..



..andito ako sa upuan ko pero nawawala ako..
..ginagawa ko naman ang mga trabaho ko pero alam ko nawawala ako..
…kilala ko ang mga tao sa paligid ko,pero naniniwala akong nawawala ako.
..nagagawa ko din naman ang araw araw na rutin ng buhay ko pero nawawala talaga ako..

..NASAAN AKO?
..ikaw?
..alam mo ba kung nasaan ako?
..maituturo mo ba sa akin ang daan kung saan ko matatagpuan ang sarili ko?
..nawawala ako.
..naliligaw ako.
..nasaan ako?

..gusto ko makita ang daan.
..kailangan ko ng BAGONG DAAN.
..dahil hindi ko ninanais balikan ang dating daan dahil doon ako naligaw…
..naiwan ko pa nga ata doon ang sarili ko.
..natatakot akong balikan yun,kasi baka hindi na ulit ako makalabas doon.
..paano?
..ano?
..sino?
..kailan?
…………….
..nahihirapan ako…

..dahil nga nawawala ako..
..asan na si six?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento