Linggo, Oktubre 21, 2012


 ..TRY AND ERROR...

(likha mula sa mga larawan na hindi sinukuan upang makakuha ng magandang litrato..ilang beses akong napaso sa taragis na mga litratong yan..hindi talaga madali ang lahat..yawa ka talaga inday..)


..maraming pagkakataon..marami rin ang dumadaan na lang.. 



..unang subok..

..hindi talaga perpekto..tanggapin mo..lahat nagkakamali sa umpisa..masaktan ka man,tanggap mo..minsan nga ayaw mo na subukan, pero minsan hindi mo din maiiwasan..
 



..sa pangalawang pagkakataon..
..muli kang nagkamali..ganun talaga..hindi ka tao kung hindi ka sumubok na muling tumikim..eh di nalasap mo ulit kung gaano kasakit ang madaliaan ng apoy?sa una pa lang alam mo na ang pakiramdam ng tinatawag nilang sakit..masarap sa pakiramdam diba?iisa ka pa syempre kahit sinasabi mo na ayaw mo na..





..pangatlong subok...
.ala ka..manhid ka bay?dili ka nakakaramdam ng sakit?

 


..pang apat..

..try and try lang..malakas fighting spirit mo ai..muli..hindi nanaman perpekto..nu bang hanap mo?bakit di ka mapakali?


..sa ikalimang beses.                       ..ganun talaga..tanggap mo kahit hindi buo..ngunit hahanap ka pa rin ng ibang pagkakataon..ganyan ka na talaga ai..







..sa ika-anim..
..maganda na sana..maganda na ang lagablab ng apoy..ngunit mapapansin at mararamdaman mo na parang may kulang..may hinahanap ka pa rin para mabuo ka..








..ikapitong beses..
..ayun..nadale..ngunit pangit pa rin ang direksyon ng apoy..hindi mo alam kung san tutungo o may patutunguhan pa nga ba?








..sa ikawalo..

..tuluyan ka ng nasunog ng pinaglalaban mo..abo ka na lang..anong natira sayo?kahit pagkatao mo tuluyan na ring naabo..minsan naiisipan mo na ring sumuko..








..ika siyam..

..sa di mo malamang kadahilanan,muli kang nabuo..walang apoy, walang sakit..pero hindi ka pa rin lubusang masaya..no gain no pain..hindi ka mananalo kung di ka tataya..








..ika sampu..

..ayan ka nanaman..la ka talagang kadala-dala..nagliyab nanaman ang damdamin mong makabayan..ngunit kulang pa rin..hindi lahat ng aspeto ng buhay mo nakukuhanan ng kamera..





..ika labing isa..

..maganda na muli..sa unang tingin..








..ika labing dalawa..


..kaya muli mo itong susubukan..gumaganda na ang direksyon ng apoy na sinimulan mong pagningasin..




 

 ..ika labing tatlo..

..sa huli..hihinto ka na,hindi dahil suko ka na kundi dahil alam mo na kung ano ang mahalaga..malalaman mo na isa lang pala ang mahalaga..ang makontento..isang bagay na di madaling hanapin at maramdaman..ngunit ito lang pala ang tunay na bubuo at makakapagpasaya sa atin..


..sadyang hindi lahat ng naisin nating mangyari ay nangyayari..hindi lahat ng gustuhin natin ay nakukuha natin..hindi lahat ng inaakala mong sayo ay sayo na talaga..may sariling pag iisip ang lahat ng tao..intindihin mo na lang kahit hindi ka nya naiintindihan..lahat ng mga litratong nakukuhanan sa takbo ng buhay mo ay magaganda..

..minsan nasasabi mong hindi mo na papakawalan, ngunit maiintindihan mo din kung bakit mo kailangang pakawalan..kung bakit mo kailangang gawin..kung bakit may sagot ang mga katanungan na noon ay hindi mo mahanap ang kasagutan..try and error nga sabi nila..kung bigo ka sa una,subukan mo ulit sa pangalawa..may pangatlo ka pa at may susunod pa..yun nga lang kahit marami kang pagkakataon ang lahat ng iyan ay para lang sa iisang tao..kung hindi makapaghintay, ikaw ang maghintay..hindi matatapos ang lahat hanggat hindi ka sumusuko..


..tara sama ka..sa panibagong yugto ng buhay ko..


-akosisix.. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento