Sabado, Abril 14, 2012

..stressed? ..ibaba mo ang baso..

WARNING…

…DO NOT ACCEPT IF SEAL IS BROKEN…


Ang mga simpleng bagay nuon na nagiging dahilan ng pagngiti natin ay hindi na natin mangitian ngayon.Bakit? Ano ang mga kadahilanan? Hindi ka na ba masaya sa mundong ginagalawan mo ngayon o baka naman masyado ng pagod ang utak mo kakaisip ng mga walang kwentang bagay?

Hindi sapat na basehan ang mga ikinikilos at mga gawi ng tao para masabi mo na sya ay isang masama. Minsan ang inaakala nating tama ay sya palang mali at ang inaakala nating mali ay sya palang tama. Parang sugal lang yan, hindi ka tatama kung hindi ka tataya.


Hindi lamang sa iisang tao umiikot ang buhay ng bawat niilalang. Di katulad ng iniisip ng iba na kung makarinig ng isang pangalan ay idudugtong kaagad ang pangalan ng iba – tambalan nga ika nila. Iba’t-ibang nilalang ang nakakasalamuha natin na maaring makapagpangiti sa atin, magpaiyak, magpatawa, makapalayagayang loob, makaututang dila, makainuman, makakwentuhan at mapulutan ng aral.

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kinakaharap na problema - sa pamilya, trabaho, kaibigan, minamahal, babae, lalaki, pera, samu't saring materyal na bagay, facebook at kung ano-ano pa.

Iisa lang ang ruta ko noon pagkagaling sa trabaho. Sa araw-araw na pag uwi ko pagkagaling sa trabaho, dinadaan-daanan ko lang ang lugar kung saan marami ang nagtitipon lalo na pag araw ng linggo - ang simbahan. Naniniwala kasi ako na hindi mo naman kailangan pang pumasok doon para lamang mapalapit sa kanya. Isang mataimtim na panalangin kahit nasaan ka mang lugar ay nararapat na upang mapalapit sa kanya. Karaniwan kasi ng mga kakilala ko kung sino pa ang madalas sa loob ng lugar na yun ay sya pang maraming ginagawang kabulastugan sa mundo.

Sa mga nagdaang araw na pakikidigma ng utak ko sa mga samu't- saring problemang kinakaharap ko, medyo naguguluhan na ata ako at kailangan ko ng magdesisyon para sa sarili ko.

Magtatakipsilim habang pauwi na ng bahay ng muli akong madaan sa lugar na iyon nang may nakita akong isang lalaki na dahan-dahang naglalakad papasok sa maliit na bukas na pinto ng simbahan. Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumiwanag ang aking kaisipan at guminhawa ang aking pakiramdam.Yung tipong natanggal ang mga gumugulo at bumabagabag sa aking kaisipan - basta, ang gaan sa pakiramdam. Hindi kayang ipaliwanag sa salita. Nagkataon lang kaya ito? Kakahanap sa lalaking nakita kong pumasok sa loob, nagulat na lang ako nang makita ko ang sarili ko na nakaupo sa dulong pasilyo sa gawing kanan ng loob ng simbahan.

Mabibilang sa aking mga daliri ang bilang ng tao sa loob. Isang babae na medyo may edad na rin sa dulong kaliwa na taimtim na nagdadasal, magsyota sa aking bandang unahan na naglalandian, isang matandang babae sa gawing unahan, isang ina kalong ang kanyang anak sa bandang gitna, isang babae na nakaunipormeng asul sa gawing likuran at isang katetista na naglilinis ng simbahan. Kakatingin sa kanila, huli na ng mamalayan ko na may isang lalaking tumabi sa akin na may hawak na disposable cup na naglalaman ng softdrinks na sa tantsa ko ay nakakaisang lagok pa lang ang kanyang naibabawas. Nasa edad sekwenta malamang ang tantsa ko sa matanda. "Sa pagkakaalam ko bawal ang pagkain o anumang inumin sa loob ng simbahan ah.", bulong ko sa sarili ko. "Si father lang ang pwede, ayun nga at may imbakan pa sya ng pagkain sa harapan", pangungulit ko pa sa sarili ko.

"Mukang may may problema ka boy ah?", tanong nya sa akin.

May anim na segundo din siguro akong natigilian bago ako nakabawi ng sagot sa kanya. Feeling close ai, haha..

"hehe.. Medyo poh..", sagot ko sa mahinang tinig.

"Taga saan ka?" muli nyang katanungan.

"Sa Laya poh, malapit lang sa kort", sagot ko.(nakipagtsikahan pa ako ai.haha)

"Nakikita mo ba tong hawak kong baso?", tanong nya ulit sa akin.

(malamang, hindi ako bulag at parang nang-iingit pa tong matandang to..)
"opoh..", muli kong tugon sa kanya.

"..gaano kaya kabigat to?" muli nyang katanungan.

"..hindi ko poh alam,gusto nyo timbangin natin?" pang aasar kong sagot sa kanya.

"tingin mo mababawasan ang laman nito kapag hinawakan ko ng isang minuto?", tanong nya. 

(napaisip ako, naexperiment ba namin to nung high school sa subject na Physics kay ma'am Reyes? Tingin ko hindi ai.)
"...ahmmmmm..hindi poh..ganun pa rin.." sagot ko sa alanganing tinig.

"tama ka..eh kung hawakan ko kaya sya ng isang oras?tingin mo mababawasan na ang laman?" muli nyang katanungan.

(…yehey..tama ako..pinagtitripan lang ata ako ng matandang to ah, sa isip-isip ko.)
"hindi pa rin poh, pero baka mangalay kayo at sumakit na ang braso nyo hanggang sa mabitawan nyo yung baso, eh di mababawasan na..hehe", sagot ko na may halong biro.

"hehe..pwede..pero kung hawakan ko kaya to ng isa, dalawa, anim o sampung araw, tingin mo magbabago yung timbang nito?" isa nya pang makulit na tanong.

(pakiramdam ko ay para akong nasa isang game show at malapit ko nang makuha ang jackpot prize kapag nasagot ko ang kanyang mga katanungan..)
"..hindi pa rin poh, pero malamang maospital na kayo nun.hehe. Mangangalay yung braso nyo at maaaring pa ngang maparalisa ai..", isa ko ding makulit na sagot.

"ano ba ang dahilan kung bakit kailangang manakit o mangalay o maparalisa ang aking braso? Ano bang kailangan kong gawin upang hindi mangyari yun..?”, kulit talaga ng tanong ng matanda..

"tsk..yung baso poh,eh di ibaba nyo poh yung baso..", nakukulitan na rin ako ai.

"tama ka boy, parang ganito lang ang problema. Isipin mo yan ng isang minuto medyo okay pa, pag pinatagal mo ng isang oras medyo masakit na yun sa ulo at kung patatagalin mo pa ng mahabang panahon kakaisip, maaari ka na ngang ma stressed hanggang sa tuluyan ka ng walang magawa. Mahalagang isipin natin ang mga problema na kinakaharap natin pero mahalaga din na ibaba natin ang baso. Kalimutan mo ang lahat bago ka matulog, makikita mo paggising mo sa umaga may bagong ikaw. May sapat kang lakas para harapin ang mga problemang dadating sayo.", pangaral ng matanda.

Medyo matagal akong nakatanga sa kanya habang nagsasalita sya. Nais kong itanong sa kanya kung bakit nya sinasabi sa akin ang mga bagay na nauna nya nang nasabi. Hindi ko maintindihan kung bakit pero gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi nya. Dahil sa kanya, unti-unting nalinawagan ang aking isip at kalooban.Nais kong malaman ang kanyang katauhan o kung saang lupalop ng mundo ba sya hinugot para mapadpad sa tabi ko at aking makakwentuhan. Sa pakiwari ko ay matagal ko ng kakilala ang matanda ngunit hindi ko matandaan kung saan at kailan kami nagkita.Nang matapos ang kanyang pagsasalita ay ninais ko ang magtanong.

"..ano na nga po palang pangalan nyo?", usisa ko sa matanda.

Saglit syang natigilan, ngumiti at marahang sumagot, "…..ARNOLD BADUA FARALA…akosisix…"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento