Miyerkules, Abril 11, 2012

...epidemya...hart disis part 2

KATULAD NG DATI..

ANG SUMUSUNOD NA TEMA AY NAGLALAMAN NG MASASALIMUOT NA SALITA NA MAAARING HINDI MAINTINDIHAN NG ISANG GENIN LAMANG. PATNUBAY NG HOKAGE AY KAILANGAN.

ANUMANG PANGALAN, EDAD, LUGAR, PANGYAYARI AT IBA PA NA MAY KAHALINTULAD SA TUNAY NA MUNDO NA NAILATHALA AY WALA LANG, MALALIM LANG ANG PINAGHUHUGUTAN.

ANUMANG PANINIWALA NA NATAPAKAN O AKING NAYURAKAN AY LUBOS KONG IKINASISIYA. AWAY TAYO KUNG GUSTO MO? HINDI KO SINABING MANIWALA KA AT HINDI KO RIN GINUSTO NA NGUMITI KA. ANG NAIS KO AY MAGING MASAYA KA.

PARA KAY SHAYNE…
HINDI TAYO MAGKAKILALA AT WALA AKONG BALAK NA KILALANIN KA. GUSTO KO LANG IBAHAGI ANG IYONG KWENTO NA NAKAPUKAW SA AKING PANSIN. BOW.

..akosisix..

_________________________akosisix_________________________

Akala ko ay tuluyan ng kinain ng tomugara ang existence ko at nawalan na ako ng bilang sa mundo ngunit matapos ang mahabang pagkakahimlay sa inner core ng planetang nemic, hindi ko akalain na may makikilala akong isang nilalang na mapupulutan ko ng isang napakahabang istorya nang pakikipagsapalaran, pakikidigma at pakikibaka habang kami ay naglalakabay pabalik sa mundo ng mga tao.

Meet brownie, isa syang aso na nainlab sa kanyang amo. Ngunit masalimuot ang kanyang istorya kaya hindi na lang natin sya bibigyan ng pansin..(may mai-intro lang..)


…usapang puso..

…..Someday, after you have moved on you'll suddenly miss that person whom you've fall for once. Not because you still like him or her but because you were once good friends and everything was just fine when it came to a point where everything has changed…

Sa mga nagdaang buhay natin sa mga nakalipas na siglo, may mga tao tayong nakarelasyon na higit pa sa taas ng mt. everest (naimagine mo ba kung gaano katindi yun?) ang antas nang binibigay nating importansya at inaalay nating pagmamahal ngunit darating tayo sa isang punto na kailangang masira ang lahat at tuluyan ng maghiwalay. Hindi dahil iyon ang nakatadhana ngunit dahil iyon ang pinili nating desisyon para sa tatahakin nating landas sa magdadaan pang mga siglo. Ang inaakala mong makakasama mo habang buhay na maglalakbay sa karagatan sakay ng isang cargo ship na pingalanang BOCIMAR at may sukat na 293000mm x 25000mm x 24850mm ay mas nanaisin pala na lumipat sa kabilang barko na FGM MATILDA (may dimensyon din na katulad ng nauna) at sa kanyang pagtalon ay ninanais mo na sya ay malaglag sa dagat at tuluyan ng lamunin ng propeller ng barko.

Ang sarap at tamis na pinagsamahan nyo noon sa accomodation area ay ninanais mo na lang na itago at buruhin sa cargo hold number 6 na napapaligiran ng transverse bulkhead at hindi na rin nanaisin na tanggalin pa ang kanyang hatch cover. Ang ingay sa  engine room na nakasaksi at nakisabay sa inyong tawanan ay mag isa na lang ngayon na nagdadala ng ingay para sa iyong labis na kalungkutan. Anumang bahagi ng barko na sumsimbolo sa matibay at patuloy na daloy ng pagmamahal ay tuluyan ng nasayang.(kasalukuyang binabasa ngayon ni sir kent at sir jordan..dyahe..haha)

Sa ganitong kalagayan, ninais mo pa rin na makaligtas sa iyong kinalulugmukang kalungkutan at dali-dali kang pupunta sa life boat at irerelease ang lock nito para sa isang free fall (payo lang kaibigan, nakamamatay ang gagawin mong hakbang. Siguraduhing nakasuot ang iyong life jacket at nakalock ang iyong seat belt upang hindi ka lalong mapinsala. Magsama ng kaibigan at kung kanino ka na sa tingin mo palagay ang loob mo. Makipag kwentuhan, magtawanan, makalimot).

Kung sakaling dumating ka na sa punto na maayos na ang takbo nang lahat ay dun naman darating ang puntong magkukrus ang inyong landas. "hi" sabi nya at susuklian mo naman sya ng isang ngiti (pilit na ngiti) at sabay sabi ng "hayyyyyyyyyyy din." sa mahinang tinig. Nakakalungkot lang isipin na natapos ang lahat sa inyo ng hindi maayos. Ang taong palaging nagsasabing "mahal na mahal kita" noon ay isang taong kinakamuzta ka na lang ngayon.

…hindi mo mahahanap ang tamang tao para sa'yo hanggat di mo iniiwan ang maling tao na pinipilit mong maging tama para sa'yo,.

Naniniwala ka ba na ang pagsuko ay pagpapakita ng tunay na katapangan ng tao? Pagtanggap sa katotohanan na ayaw mong paniwalaan. Naghahanap ng mga kasagutan sa sirkulasyon na tanong kung ano nga ba dapat ang mauna, ang pagtanggap o ang pag unawa? Babanatan ka naman ng kasunod na katanungan na "paano mo matatanggap kung hindi mo naman maunawaan?" at "pano mo mauunawaan kung hindi mo naman kayang tanggapin?". Ikaw na mismo ay kayang ipaliwanag kung ano nga ba ang tamang kasagutan sa mga katanungan na binigyan mo ng pansin.
…..para tayong kutsara at tinidor..kaya natin ang mag-isa pero iba pa rin talaga pag magkasama…

…sa nakaraan..

Nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin? Anong ginagawa mo? Tagabitbit ka ng mga gamit ng taong handa mong pag alayan ng pagmamahal. Lahat ng ayaw mong gawin nagagawa mo dahil sa kanya. Ganyan ka ba sa iba?, tanong mo sa sarili mo. Hindi di ba? Para kang nasa isang orchestra at sya ang maestro at sa pamamagitan ng isang kumpas ay marapat lamang na ikaw ay tumugtog. Dati ay tinatawanan mo lang ang mga kabarkada mo na gumagawa ng mga bagay na ginagawa mo ngayon. “The Unders” nga ika nila – “The Understanding”. Hanggang sa makita mo na alng ang sarili mo na nakasunod sa isang tao bitbit ang isang bag na naglalaman nang pulbos, make up, suklay, celepono, notebook, charger, wallet, bahay, pangarap, masasaya at mapapait na ala-ala, listahan ng nagawa mong pagkakamali, pangalawang pagkakataon, pangatlo, nasayang na pagkakataon at sandali, mahabang panahon ng paghihintay at ang pag asa para sa kasalukuyan. Hanggang sa mapalagay ang loob nyo sa isa’t isa. Para na kayo ngayong kutsara at tinidor, minsan mas pinipili nyo ang mag isa dahil alam nyo na kaya nyo pero iba pa rin talaga pag magkasama. Minsan o madalas may tampuhan, away, walang pansinan. Pataasan ng pride, kung sino ang unang susuko ay hindi mo masasabing talo. Sa katunayan, sya ang panalo. Maaalala mo magkaibigan pa nga lang pala kayo, lugi ka nga lang dahil mahal mo sya. Wala eh, ganun talaga. Hindi mo naman sya matiis pero sya kaya nya. Marahil sobrang alam nya na ayaw mong mawala sya. Maswerte sya mahal mo sya, malas ka lang talaga.

Matapos ang medyo mahaba at mapanuksong panahon ng pagiging masugid na panliligaw,sunud-sunuran o kahit ano pa mang matatawag, sumapit na nga ang araw at naghihintay ka na ng resulta at kung anong kalalabasan ng matinding effort na ginawa mo. Nakahanap ka nang isa nanamang pagkakataon para sabihin ang lahat ng iyong nararamdaman. Maraming pagkakataon na dumaan ngunit pinalampas mo lamang ang lahat at hindi mo na muli pang hahayaan na mawalan ng ganap ang pagkakataon na ipinagkaloob sa iyo ni Alah.

Medyo solemn ang lugar, walang gaanong nagdadan na tao. Eksakto para sa masama mong binabalak. Biglang dumilim kalangitan. Hudyat na para simulan ang ritwal at pasabugin ang init ng nagmumugto mong damdamin.

…sa kasalukuyan..

…para sayo..

“……mahal kita…mahal na mahal kita..”

          …sa negatibong kinalabasan..pessimistic..

Biglang nagtakbuhan ang mga daga sa dibdib mo na animoy nasa ibabaw ka ng entablado ng talentadong pinoy at naghihintay ng desisyon ng mga hurado. Matapos ang ilang minutong katahimikan na namutawi sa pagitan nyong dalawa, marahang umihip ang isang malamig na hangin na dumampi sa iyong mga mukha, tanging kaluskos ng mga dahon ang naririnig, ingay ng sasakyan kung meron man, sabay nabasag ang katahimikan ng marinig mo, “ehem…..” aniya sa mahinang tinig. Saglit kang napatingin at nagpatuloy sa pagsasalita ang nauna, “pwede bang magkaibigan na lang tayo? Masaya naman tayo sa ganitong relasyon diba tsaka atlis for life na to. Friends forever? ” sabay hand shake sayo…haha..Presto, BASTED ka kaibigan…haha.. Sabay kalembang ng kampana ng simbahan, fire works display sa umaga (kung umaga nangyari ang krimen) o gabi, nagdiwang ang mga intsik at nagtayuan ang mga hapon, nagpa naming ceremony ang hanjin ng sampung barko ng sabay-sabay, tumaas ang sahod sa dong-in, nakalaya na si Gloria Arroyo, nanalo sa impeachment case si Corona, nagdiwang ang buong mundo ng MEN-WOMEN RELATIONSHIP DAY. Pakairamdam mo ay ikaw na ang pinakamalungkot na tao sa mundo at nararamdaman mo ang kirot sa puso mo habang pinaglalamayan ng mga anay. Sa kagustuhang makalimot panandali, bibili ka ngayun ng CHOCOBOT sa tindahan upang maibsan ang sakit na nararamdaman at pagbukas mo ng wrapper nito ay may nakasulat sa loob nito, “BETTER LUCK NEXT TIME..”… Tengeneng..haha..

          Eto lang kaibigan, wag kang trying hard mag move on, pabayaan mo lang na kusa mo syang makalimutan. Baka bukas o sa makalawa o kaya sa isang buwan o kaya naman sa isang taon at marami pang susunod na taon hanggang sa abutin ka man ng ilang dekada, masasabi mo na ang sa sarili mo na “ay talaga? …minahal ko yan…”

Sabi nga nila, lahat daw tayo ay naglalaro sa pag-ibig ngunit pag dumating ang panahon na handa ka ng magseryoso ang pag ibig naman daw ang maglalaro sayo..

Tadhana?

Talaga? Marami sa atin ang lubos na naniniwala sa tadhana ngunit alam din naman natin na tayo mismo ang gumagawa ng ating tadhana.

Hindi natin dapat hayaan na lamunin tayo ng tinatawag nilang tadhana at ipaubaya ang lahat sa hinaharap. "Kung tayo talaga ang nakatadhana sa huli, tayo talaga ang magkakatuluyan" sabi ng ibang tao na tuluyan ng nalunod at napariwara ang utak sa labis na pagsamba sa tadhana. T$%@ ka ba? Tingin mo nakatadhana kaya na may bumagsak sa subject na Elementary Electrical Engineering nung mga panahon na yun? Nakatadhana kaya na may mabanatan sa hagdan habang nagtatawanan ng mga oras na yun? Nakatadhahana kaya kung bakit may mga taong hindi pa rin sinasagot hanggang ngayon ng taong nililigawan nila? Nakatadhana din kaya kung bakit may Hapon sa Japan? Nakatadhana din kaya kung bakit mo binabasa ngayon ang mga basurang salita na nabuo sa aking kaisipan na pinilit kong ipunin at sa huli ay tatawagin kong akda?

Tadhana ulit?

Ito daw ay ang paggawa ng tulay na pagkakataon upang maabot ang minamahal. Ibig sabihin, ang lahat ng mga pwedeng mangyari at kalalabasan ng hinaharap ay nakasalalay sa ginawa,ginagawa at gagawin mong aksyon, eksplanasyon, desisyon at mga bagay bagay na pwede mong ikasiya, ikalungkot at pagsisihan sa huli. Tayo mismo ang gumagawa ng ating tadhana.(kung medyo agresibo ka at kung sa tingin mo ay natapakan ko ang iyong pinaniniwalaan , malaya kang isulat ang iyong komento sa ibabang bahagi ng aking akda).

Ngunit bakit nga ba may mga taong nanatili pa ring mag-isa (single poh ang tinutukoy ko para sa mga hindi nakakaintindi.slow mo naman.) sa kabila ng pagsisikap na kanilang ginagawa? Nakanino kaya ang tunay na dahilan? Nasa taong gumagawa ng paraan o sa taong nagdedesisyon?

Ayon sa mga eksperto ng planetang Nemic, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kadahilanan kung bakit nananatiling single ang estado ng buhay pag-ibig. Sa tulong ni Dende, nagawa kong himayin ang bawat salita at maipaliwanag sa simpleng paraan ang napakalupit na equation na naglalaman ng mga maseselang impormasyon. a + b = x...simple equation.

1. EX TO THE Nth POWER
…aminin mo..mahal mo pa rin si ex mo kahit na isa,dalawa,tatlo o anim na taon pa ang nakalipas. May mga ganitong pangyayari na kahit na ilang taon na ang nakalipas ay mahal pa rin nila ang ex nila. Yung pinagsamahan, tawanan, iyakan at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man o masaya, maganda man o masama ito o sa anumang kadahilanan, kailangan nyo ng magpaalam sa isa't isa. Oo nga at makalipas ang ilang taon masasabi mo na "naka moved on na ako....hindi ko na sya mahal..", pero pag usapan natin ang buhay pag-ibig at lahat ng nangyari sa nakaraan...KABOOOOMMMM... Eto na, sya agad ang naaalala mo. At habang nagkukwento ka.."OUCH"... may kirot o kaya naman ay ngiti at nararamdaman mo na may bumabagabag sa iyong kalooban? Ano naman kaya yun? Wag na kayo maglokohan ng sarili mo, aminin mo na dahil wala namang ibang makakaalam kundi ang anino mo. Mahal mo pa si ex mo. OO nga at mahirap syang kalimutan ngunit buksan mo ang puso mo para sa iba, wag mo ikumpara o hanapin ang ex mo sa katauhan ng iba. Give your self a break... Take a KITKAT..haha..lol..

2. TRAUMATIC EXPERIENCE
…eto ang madalas at kalimitan kong naririnig na rasyon nang nakararami. "Ayaw ko na...Takot na ako mangyari pa ang nangyari dati..", kabug ka teh, ang drama ng layp mo. Eto yung dahil sa past relationship mo (o kahit hindi mo nakarelasyon basta nagawan ka nang hindi maganda-in short nasaktan ka) at hanggang ngayun ay ayaw mo ng pumasok sa isang relasyon at isinumpa mo na ata ang magmahal? Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit (hindi ka bitter panget lang talaga yung ipinalit nya sayo..haha..),o kaya naman ay iniwan ka na walang word na "bye-bye", o dahil binugbog ka, inapi, nambabae? Ahhmmmmmm, ano pa ba? Marami yang mga kadahilanan na yan pero hindi ko na lang iisa-isahin at baka mapaluha ka lang kung mabanggit ko ang isa sa mga kadahilanan ng break up nyo. Iba-iba ang lasa ng pag-ibig, may mapakla, mapait, maasim, maalat (awts..olat) at kung papalarin na magkaroon ka ng lakas ng loob na umibig muli ay matikman mo na ang tamis ng pag-ibig..tsk.. Dyahe na, tama na nga para dito..

3. SI PARENTS DAW KASI…
…malaki ang naibabahagi ng komunidad mo para sa iyong estado. Una, ayaw pa ni erpat o ermat mo na magkaroon ka ng karelasyon kahit na bente dos anyos ka na at magbebentetres na sa susunod mong kaarawan(hula lang yung edad). Kailangan mo daw munang umabot ng kwarenta bago ka makipagrelasyon tutal life begins at fourty naman daw.haha.. Minsan na sayo na rin ang problema, natatakot ka sa sasabihin ng mga kabarkada mo at tsismosa mong kapitbahay sa magiging kasama mo. Ikaw ba naman masabihan ng "Alam mo hindi kayo bagay, langit at lupa kayo. Anghel sya demonyo ka."..GEYGO... Nakikitingin na nga lang sila may komento pa. Pakealam nila diba? Hindi naman sila ang pakikisamahan mo.Wag mo imbitahin yung kapitbahay mo pag kinasal ka..

4. WRONG TIME
…eto yung mga tao na nagsasabing "hindi pa ako ready eh, bata pa kasi ako." o kaya naman "hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa akong maipagmamalaki."… Marami ang ganyan, yung pakiramdam nila may tamang panahon.Kelan naman kaya yun? Pag matanda ka na at bitin na sa oras ang para sa lahat? Tignan mo si Korina Sanchez di na magka anak.( Yung iba naman sabi nila may tamang panahon daw pero bukas makalawa mababalitaan mo may bf na pala.tsk..booooooohhhh)

5. WRONG PLACE
..yung pakiramdam mo nasa kabilang mundo ka(malas mo wala ka sa mundo ng mga Nemic). Yung mga nakakaharap mo eh yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Halimbawa daw ay yung nasa mundo ka ng mga tao pero ang hinahanap mo ay yung amoy ng mga taga planet Nemic o kaya naman ay nasa mundo ka na ng mga Planet Nemic at nasa normal mong lipunan pero ikaw ang abnormal at ayaw mong sabihin na abnormal din ang hanap mo at baka ibitin ka nila ng patiwarik.lol..=)

6. HAPPY GO LUCKY……
…sila naman yung walang alam kundi ang kasiyahan at puro trippings. Kahit sino na lang basta no string attached. Mga for fun lang daw o fling, walang halong seryosohan (maihahalintulad ng konti sa psuedo relationship). Sige-sige gang, banat lang ng banat. Ingat ka kaibigan - di nakakatuwa ang ginagawa mo. Alam ko.......=)

7. BORN TO BE ONE (autistic..haha.)
…sila yung nasa palad na daw ang pagiging single. Wala syang ibang rasyon, basta nabubuhay sila sa mundo ng mag-isa at pakiramdam nya na mamamatay din sya at mawawalan ng bilang sa mundo ng nag-iisa. Kesyo magmamadare o magpapari na alng daw sila. Di pa naging born to be wild para magkasyota ng hayop sa gubat.haha.

8. FRIENDSHIP THEORY
…maraming makakarelate dito malamang… Hmmmmm… Teka nga… Ito yung buhay eh kay bestfriend o special friend (huwat?) umiikot na hindi masabi-sabi sa loob ng mahabang panahon na pagsasama (kailangan pa abutin ng anim na taon?) dahil baka maapektuhan ang kanilang pagkakaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasamang iba yung kaibigan nya, nagseselos na wala naman sa lugar pero syempre hindi pinapahalata at kunwari masaya sya para sa kaibigan nya at lihim na nasasakatan (uwaw..wagas ah..haha) pag nagkukwento ang kaibigan nya tungkol sa lumiligid sa kanya o nililigiran nya. Lakasan lang ng loob, minsan kasi pareho lang pala kayong naghihintayan hanggang sa lipasan na ng panahon. "Sana hindi pa huli ang lahat para sa atin." o di naman kaya "Pano kaya pag naging tayo?" ang sambit ng nakararami. Sabi nga ni Great Elder "minsan, ang sakit na nararamdaman natin ay dahil sa mga salita at nararamdaman na hindi natin masabi."...

9. BUSY-BUSYHAN
…ang mundo ay gumagalaw lang sa ballpen at libro para sa mga estudyante o kaya naman ay sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas sais o alas syete ng umaga at uuwi ng mga bandang alas sais(maisingit lang ai,hehe)o alas otso o alas diyes ng gabi(vice versa naman para sa mga kaibigan natin dyang call center. Muzta kayo?) sabay tulog na. Kapag araw ng pahinga, masaya na sa tv, paglilinis ng bahay, pagkain ng kung ano-ano, maghahanda ng mga kailangan para sa lunes at kung papalarin ay papasukan ang lahat ng araw ng lingo(dedicated sa work). Please...Pause for a while.

10. PERFECTIONIST (mapili)
…badtrip kayo.. Yung mga taong perpeksyonista. Yung tipong "dapat ganito yung magiging kapartner ko". Yung pag may nakilala at may nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang eh turn off na agad. Ang daming ayaw. Ayaw sa mabait kasi boring daw at ang gusto eh yung bad boy o pilya pero kapag pinaiyak naman o umiyak dahil dun tatanungin ka, "bakit ang sama mo?", "bakit mo nagawa yun?"... Tanga ata ai,haha. Ayaw sa cute ayaw din naman sa panget, merong iba dyan gusto ka ayaw mo naman tapos yung gusto mo halos magtambling ka na sa harap nya pero wa epek at dedma lang yung mga stunts mo. Labo naman nun, labo ng mata.

11.DESTINY ADIK
..tulad ng aking natalakay sa gawing itaas ng aking akda. Epekto ng kakapanood nyo ng mga lab stori at pelikulang SERENDIPITY, feeling nyo naman mangyayari sa inyo yung nangyari sa napanood nyo..F$%#.. Naghihintay kay destiny ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang panghabambuhay na makakasama. Hindi nyo ba alam na kung walang effort walang bababaan at liliparan ang eroplano(bahala ka na pakahulugan yan. matanda na ka na, alam mo na ang mali at isa pa ulit na pagkakamali)...

Ang ibang kadahilanan ay kasalukuyan pa naming pinag aaralan upang maisalin sa naiintindihan mong salita.
         
_________________________akosisix_________________________

…sumunod na eksena..

..minsan,kailangan natin magmahal para lumigaya. Lumigaya para masakatan. Masaktan para matuto. Matuto para maging matatag. At kailangan mong maging matatag para muling magmah…

Kailan ba nagiging bulag ang pag-ibig? Nakakakita nga kaya ito? Bakit mabubulag kung hindi naman nakakakita? Nakakabobo din daw ang pag-ibig? Matalino ba ang pag-ibig? Bakit may nabobobo pag umiibig? Totoo kaya na ang 2 + 2 = 5 sa mundo ng pag-big? Tumingin ka ba nung umibig ka? Nag-isip ka ba? Hindi naman diba? Basta naramdaman mo lang at alam mo masaya ka tama ba?Bakit ang dami kong tanong? Bulag din kaya ako o bobo? Umiibig kaya ako? Nyay..

Sa aking mahigit dalawang linggong pagtambay sa upuang kinauupuan ko ngayon ay nahagilap ko ang istorya na naisulat mula sa isang kaibigan na hindi ko kakilala. Ang kanyang istorya ay nilulumot na at may kakaibang cursed seal na biglang maglalaho matapos mong mabasa ang kabuuan.


…pamagat..

I LOVE YOU TOO BABY KO..

I was beginning to regret having worn my favorite red off-shoulder blouse and pleated skirt inside the movie house because I was  shivering in the cold. But I took the huge risk because I knew perfectly how my favorite pair of clothing will impress my boyfriend. He loved it whenever I showed a little more skin but if and only if he was with me. I love how he compliments me - he never fails to make me feel as if I was the most beautiful woman on earth.

The movie hasn't begun, and the cold was already enveloping us. We found good premiere seats. His hand was holding mine. The feeling of having him all to myself in the dark tickled me. It didn't occur to me that he was smelling the side of my neck as he murmured, “Bango naman ng Baby ko...I love you!”, Another smile curled my lips. “Wala bang I love you too?” He teased. So I answered back, “I love you too, Baby.”

After a few subtle kisses on the cheek, his cellphone beeped. He quickly checked who it was and buried his eyes on the message. I saw him reply to the text as if he was being chased after. “Uy, bili ako ng food gusto mo? Kelangan ko narin kasing mag-load, may kelangan akong reply-an. Limang piso nalang yata laman nito!” He whispered, “La akong bulsa, By. Hawakan mo muna 'tong cell, baka mawala ko lang. You know how careless I am.” I nodded and kept the phone safely in my hands. He slightly pinched my cheek, said “I love you” again under his breath, and took off.

The movie still hasn't started. I closed my eyes and gave a hearty yawn. I almost fell asleep when I felt his phone vibrate violently. The name Michelle was blinking. Who's Michelle? I thought to myself. Even before I could press accept, the phone stopped vibrating and displayed 1 missed call. The message icon was also blinking - meaning Michael's inbox was full. I had to delete old messages to pave way for incoming texts. So I did. Five messages came in immediately, all of which were from "Michelle." Without hesitation, I opened them one by one.

“Ha?! Anong wg muna ako text? Kelangan natin mgusap ngyn na! Nsan kb kc?”

“Can I text you na?”

“Text moko if coast is clear.”

“R u still with her?”

I felt my heart do a somersault in complete confusion. What did the messages mean? Who was that HER Michael was still with? I felt cold sweat forming around my forehead and nose. I took a deep breath. So I pretended to be Michael and replied casually to the text messages. She replied in a matter of seconds.

“O, baket ka ba text ng text? May problema ba? Musta?”

“Hi Mike!!! Ano ng balita sayo? Baket ngayon ka lang nagreply? Kanina pako nagpaparamdam! Kasama mo pa ba si Shayne?”

I thought I was just stabbed right in the chest when I saw my name in Michelle's text message, but I continued replying with Michael's phone.

“Oo, bumili lang ako ng food. Iniwan ko si Shayne sa loob ng sinehan. Baket ba kasi?”

“Di mo pa kasi iwan yang babaeng yan eh hihihi! Love, tuloy ba tayo bukas?”

“Ah? Ewan ko, ikaw ang bahala. San ba tayo bukas?”

“Diba sabi mo pupunta tayo ng Laguna?”

“Ako nagsabi nun? Ah oo nga pala, I promised you that. Eh ano bang plano mo?”

“Ano? Ikaw nga ang nagplano eh! Baket parang binabalik mo sakin ang tanong? Nakalimutan mo na ba? 4 months na tayo bukas! Dapat astig ang out-of-town natin! Swimming tayo siguro tapos dinner... Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin, love!”

I lay motionless. The movie began. I felt my head spin violently - my vision was now blurred because of the big teardrops gathering in my eyes. But I blinked them away and replied as fast as I could. I knew Michael was on his way back to the cinema any minute now.

“Oo sige na basta sabihin mo yun ang gagawin natin! Ang bilis ng panahon noh 4 months na tayo. Parang kelan lang... O sige pano ba ang plano bukas? Sabihin mo sakin ang nasa isip mo HONEY.”

“Hmmm.... Basta bring your car nalang! Tawagan moko sa bahay tonight so we can talk ha? Love you lots! Mwah mwah! (smiley face)”

I tried to reply “I love you too”, but the phone displayed Check Operator Services.

The whole world must've stopped before my very eyes. There was nothing more I could feel except for the tears rolling down my cheeks and the freeze that was now killing me inch by inch. I stared at the big screen while my thoughts drifted away... I couldn't find the right words to describe how I felt that moment. Images of another girl and my Baby deeply in love with each other flashed in my head.

And all this time, I was sharing Michael with someone else... That all this time, there was another woman whom he had his right arm around... The tears were all coming out now. I know people around me were already staring, but I was no longer thinking rational. Emptiness devoured me that instant...

From a distance I noticed a familiar face walking up the stairs towards my seat. I cleared my throat, cleaned my face, and took several deep breaths. Michael was on his way to our seats at the center bunk.

“I love you, Baby!”, Michael kissed me on the nose. “Sensha na! Tagal ko noh! Dami kasi nakapila dun sa binilhan ko Sensha na, sensha na...” He put down the plastic bags and held my hand tight. He kissed me softly on the lips and whispered passionately, “I love you Shayne! I love you Baby ko... “

I didn't have the strength to answer back.

He went on. “Oo nga pala, simula bukas, may fieldwork kami. Baka next week na ang balik ko. Hindi ko pa sure kung saan yung site, so baka walang signal dun. But I'll try texting you whenever I can, ok? I love you, Baby ko!”

I wanted to shout at him, scream at the top of my lungs, but no sound came out. I couldn't make myself say anything. I turned mute... my body was as numb as ever.

“O? Wala na naman bang I love you too dyan? Dapat lagi kang nag-I-I love you too!”, He laughed.

I felt something vibrating on my lap again. It was Michael's phone - another text message. Michael saw it blinking and immediately read the message at a distance. But I was able to read what it said:

“Kelan ka pa natuto mgtext in small letters? (smiley face) tsaka baket honey na ang twag mo sakin? Hindi na ba love? Bago na ba? (smiley face)”..

There was a long, long awkward pause. I thought the world has just stopped revolving. My lips were sealed and the tears were already flowing freely - I could no longer control them. Michael looked straight at me, with his jaw half open. His eyes were round and bigger than usual, full of questions and fear. We just stared at each other, not knowing what to say. I felt the whole world sink and disappear, leaving only the two of us alone in the dark.

After a few seconds of silence that felt like forever, I swallowed the big lump in my throat with all my strength and bitterly whispered...

“I love you too, Baby ko...”

          Ilan kayang Shayne ang nabubuhay sa kabilang mundo? Ilan kaya ang ninanais na ayos lang ang masaktan dahil nagmamahal? Pag may tanong tungkol sa akin pakisabi ok lang ako – kahit hindi naman. Hindi ba pwedeng isulat sa batas na pahalagahan ang taong nagbibigay ng importansya at halaga sa atin? Hindi ba natin alam na ang pambabalewala natin sa kanila ay hindi nila kawalan kundi sa atin? (nilalagnat ka ba? Alam mo ba kung anong sinasabi mo? Ginagawa mo ba?) Tama ba ako shayne?

          ...bakit kaialngan ng bago? Sabi ng intsik na nakausap ko, hindi ka daw dapat kumuha ng bago hanggat hindi ka bumibitiw sa luma at mas lalo daw na wag kang kukuha ng bago at isasabay sa luma dahil mas mahal ang antigo kesa sa brand new.



          (...lilinawin ko lang, hindi lahat ng lalaki manloloko. Minsan pag nasaktan tayo ng isang lalaking nilalang, iisipin na agad natin na lahat ng lalaki sa mundo manloloko, paano naman yung mga babaeng manloloko? "nakasanayan na kasi ng mga kababaihan, kapag nagalit sila sa isang lalaki, gusto nila galit na sila sa lahat ng lalaki dahil iniisip nila na pare-pareho lang sila.", sabi ni master buten ng hingin ko ang panig nya. Poligamized by nature nga ika ni mr. Crab ng minsang bastedin sya ni ms. Puff. Wag ganun - bad yun..Wa-la talaga...Grabe ka naman..)


_________________________akosisix_________________________

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento