Linggo, Abril 8, 2012

...hangang kailan?

 ADVICE ...

..if you are thinking someone while reading this, you're difinitely in love.. 

....maraming bagay ang pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng ipagpilitan..

..sa kabila ng mga problema at suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas, mayaman pa rin tayo sa pagmamahal..

…sa unang taon..

        …sa unang  klase, nakatingin ako sa katabi ko na tinawag akong “kaibigan”. Nakatingin ako sa kanyang mukha na bahagyang natatabunan ng kanyang buhok. Humihiling ako na sana ay maging kame pero mukhang malabong mangyari yun at alam ko yun. Nais kong sabihin sa kanya na gusto ko sya at ayaw kong maging kaibigan nya lang ako. Mahal ko sya ngunit hindi ko masabi at hindi ko alam ang dahilan.

…sa mga sumunod na taon..

        …may nagmessage sa akin, sya yun. Nararamdaman ko na napakalungkot nya dahil sa mga kwento nya na labis syang nasaktan sa paghihiwalay nila ng boyfriend nya. Humihiling ako na sana ay maging kame pero mukhang malabong mangyari yun at alam ko yun. Sinabihan nya ako na puntahan ko sya dahil gusto nya ng makakasama at yun naman ang ginawa ko. Matapos ang konting kwentuhan na may kasamang tawanan, tumingin sya sa akin at sinabing “salamat”. Nais kong sabihin sa kanya na gusto ko sya at ayaw kong maging kaibigan nya lang ako. Mahal ko sya ngunit hindi ko masabi at hindi ko alam ang dahilan.

…graduation day..

        …mabilis na lumipas ang araw, buwan at taon, mabilis pa sa pagpikit ng mata ko ng mamalayan kong graduation day na pala. Magkakahiwalay na kame.Pagkakataon nga naman, nakasabay pa sa jeep. Pinapanood ko ang isang nilalang na akala mo ay anghel na naglalakad sa stage para kunin ang kanyang diploma. Humihiling ako na sana ay maging kame pero mukhang malabong mangyari yun at alam ko yun. Bago mag uwian ang lahat, pakuha ng konting litrato para sa pagsilip ng masasayang sandali ng nakaraan ng may marinig akong marahang bumati sa akin, “congratz, kaibigan”. Nais kong sabihin sa kanya na gusto ko sya at ayaw kong maging kaibigan nya lang ako. Mahal ko sya ngunit hindi ko masabi at hindi ko alam ang dahilan.

…a few years later..

        …may kanya-kanya na kameng trabaho,nakakasama ko pa rin sya sa mga konting gala at lakad. Iba na ang panahon ngayon kesa sa nakaraan dahil medyo late na kame umuwi ng gabi kung may pinupuntahan. Humihiling ako na sana ay maging kame pero mukhang malabong mangyari yun at alam ko yun. Hinahatid ko sya sa bahay at kung magpapaalam na akong umuwi, sasabihin nya na “salamat, mag-iingat ka”. Nais kong sabihin sa kanya na gusto ko sya at ayaw kong maging kaibigan nya lang ako. Mahal ko sya ngunit huli na para sabihin ang lahat sa hindi ko pa rin kaya maintindihan na dahilan?

…sa hinaharap..

        …uupo kaya ako sa loob ng simbahan upang panoorin ang kasal mo? Hihintayin mo na sabihin ang “I do” para sa taong papakasalan mo. . Humihiling pa rin ako na sana ay maging tayo pero mukhang malabong mangyari yun at alam ko yun. At kung sakaling bago ka umalis at lumabas ng simbahan, makikita mo ako at sasabihin na “salamat at nakapunta ka”. Nais kong sabihin sa kanya na gusto ko sya at ayaw kong maging kaibigan nya lang ako. Mahal ko sya ngunit hindi ko masabi at hindi ko alam ang dahilan.


...huli na nga ba para sa lahat..


...sa huling yugto ng ating buhay..


...kung mabubuhay ka ng isandaang taon, mas gugustuhin kong mabuhay ng siyam napu at siyam na taon dahil alam kong hindi ko din makakaya kung sakaling mawalan ka na ng bilang sa mundo..

…totoo nga kayang ang karamihan ng sakit na nararamdamn natin ay dahil sa mga salitang hindi natin masabi?       
                                                               
…akosisix..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento